*Cauayan City, Isabela- *Nagpamalas ng bayanihan ang mga kasundaluhan sa kanilang ginawang pagtulong at pagsagip sa ilang mga biktima ng nagdaang bagyo sa Lalawigan ng Cagayan at Apayao.
Ayon kay BGen. Laurence E Mina, Commander ng 502nd Brigade, ang mga kasundaluhan na naglaan ng kanilang oras at panahon sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan at Apayao ay pagpapakita lamang na ito ay kahihiyan sa hanay ng mga komunistang grupo na walang malasakit sa kapakanan ng nakararami.
Kaugnay nito, pinuri naman ni MGen. Pablo Lorenzo, Commander ng 5ID, ito ay kalakasan ng mga kasundaluhan sa kanilang ginawang pagtulong pagdating sa naranasang sakuna ng mga residente sa nagdaang bagyo.
“*Sinisiguro namin sa inyo na ang aming kasundaluhan ay laging handa sa pagtulong sa kahit anong sitwasyon, Sa totoo lang, sila ay sumailalim sa pagsasanay sa katatagan sa kalamidad ay ito ay higit na nagagamit sa kasalukuyang sakuna.” Ani ni MGen. Lorenzo.*
Dagdag pa nito, ang pagsisikap ng mga sundalo ay indikasyon lamang na tunay na pag-aalala sa mga apektadong residente sa nagdaang bagyo at isa rin ito sa tungkulin ng sundalo na maglingkod at protektahan ang nakararami.