Starhot Shots at San Miguel Beermeen, magtutuos ngayong hapon sa semi-finals

PBA – Aabangan na mamaya ang laban ng Star Hotshots at San Miguel Beermen sa semi-finals ng PBA ngayong araw sa oras na alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Beermen Coach Leo Austriana, matatalo nila ang Star Hotshots dahil nakakalamang sila sa experience at front court combination nina Jun Mar Fajardo, Charles Rhodes at Arwind Santos.

Samantala, ayon naman sa coach ng Star Hotshots na si Chito Victolero ay pinaghahandaan nila ng husto ang pagbawi sa San Miguel Beermen kung saan matindi ang kanilang pambatong import at power forward na si Ricardo Ratliffe.
DZXL558


Facebook Comments