‘Starstruck’ hosts at judges, pinakilala na sa publiko

Screenshot via Starstruck Official Facebook Page

Pinakilala na kagabi ang official hosts at judges ng GMA 7’s artista search na Starstruck.

Sa teaser na ipinalabas, sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Season One Ultimate Female Survivor Jennylyn Mercado ang main hosts. Uupo bilang hurado sina Heart Evangelista, Cherie Gil, at Jose Manalo.

 

Kamakailan, naging maingay ang pangalan ni Manalo sa social media dahil hindi sang-ayon ang ilang netizens na maging parte siya ng council. Ayon sa report ng PEP.ph, pinalitan ng komedyante si Joey de Leon dahil hindi nito tinanggap ang offer.


Nitong Enero, sinimulan ang audition para sa mga nangangarap maging artista. On going na rin ang elimination round ng Kapuso artista search.

Ang mga tinanghal na Ultimate Male and Female Survivor noon ay sila Mark Herras, Jackie Rice, Sarah Lahbati, Aljur Abrenica, Mike Tan, Ryza Cenon, Klea Pineda, Steven Silva, Migo Adecer at yumaong Marky Cielo.

Ipapalabas na sa darating na Hunyo ang ikapitong season ng Starstruck.

 

Facebook Comments