Tanging ang state broadcaster na PTV-4 lamang ang papayagan na mag-cover ng pag-alis sa bansa ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), sa PTV-4 na lamang kukuha ang ibang media ng feed sa pag-alis ni Pemberton pabalik ng Estados Unidos.
Kaugnay nito, wala namang sinabi si BI Spokesperson Dana Sandoval sa detalye ng magiging flight nito para na rin umano sa seguridad.
Si Pemberton ay hinatulan ng sampung taon na pagkakakulong noong 2015 kasunod ng pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City ngunit pinalaya na ito sa pamamagitan ng absolute pardon na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon pa kay Sandoval, naisumite na ang mga kinakailangang dokumento para sa deportasyon ni Pemberton kabilang ang NBI clearance at sa ngayon ay hinihintay na lamang ang mga travel documents at ang schedule ng flight nito pabalik ng Amerika.