Senator Bong Revilla, hahabulin ang mga basher at nagpapakalat ng fake news laban sa kaniya

555

Tiniyak ni Senator Bong Revilla Jr. na hahabulin niya ang mga basher at nagkakalat ng “fake news” laban sa kaniya.

Ayon sa Senador, kumakalap na ang kanilang kampo ng mga ebidensiya at kinausap na niya ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Naniniwala aniya si Revilla na dapat nang taasan ang magiging parusa sa cyberbullying at hindi lamang ito para sa kaniyang sarili.

Matatandaang noong nagpositibo ito sa COVID-19 noong Agosto ay kumalat ang mga fake news na nagsasabing pumanaw na ang senador.

Samantala, ayon pa kay Revilla, naghain na si Senate President Tito Sotto III ng isang panukala na layong parusahan ang mga nagpapakalat ng fake news at maling impormasyon sa social media.

Facebook Comments