State colleges and universities, hindi na dapat maningil ng matrikula simula ngayong semester

Manila, Philippines – Inihayag ni Senator Bam Aquino na ngayong semester ay matatamasa na ng mga estudyante ng State Universities and Colleges o SUCs sa buong bansa ang benepisyo ng Republic Act 10931 or Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ayon kay Aquino, ipinarating sa kanya ng Commission on Higher Education o CHED na hindi na maniningil ng tuition fees at miscellaneous expenses ang 112 SUCs ngayong semester.

Sa nabanggit na batas ay mabibigyan ang mga estudyante ng libreng edukasyon sa SUCs, gayundin sa local universities and colleges at vocational schools ng TESDA.


Maliban sa tuition, sagot na rin ng pamahalaan ang miscellaneous at iba pang bayarin.

Sinabi ni Sen. Bam na naglaan ang mga mambabatas ng P40 billion pesos sa 2018 national budget para sa pagpapatupad ng RA 10931 para sa school year 2018-19.

Facebook Comments