VALENCIA, BUKIDNON – Isinailalim na sa state of calamity ang Valencia, Bukidnon matapos malubog sa baha ang labing isang barangay dahil sa mga pag-ulan.Nagpatupad ng force evacuation sa mga apektadong barangay pero mayroon pading mga hindi sumusunod.Ayon kay Valencia mayor Azucena Huervas, mahigit apat na libong residente na ang apektado ng pagbaha.Bukod dito, halos walong libong residente ang inilikas sa tatlong lalawigan sa CARAGA Region.Sinabi Office of Civil Defense CARAGA Information Officer April Rose Sanchez, apektado ng pag-ulan at pagabaha ang Butuan City gayundin ang Agusan Del Norte, Agusan Del Sur at Surigao Del Norte.Pagtitiyak Sanchez, na mayroong sapat na suplay ng relief goods para sa pangangailangan ng mga evacuees.Samantala, ideneklara na ang State of Imminent danger of loss of lives and properties sa Butuan City.Sinabi ni Spokesman B/Gen. Resty Padilla, na nagsasagawa na ng force evacuation sa labing dalawang barangay sa gilid ng Agusan river dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa ilog.Sa region 7 (Central Visayas) naman, higit 3,000 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha pero 227 na pamilya lamang ang kinailangang ilikas mula sa kani-kanilang mga tahanan.Limampu’t siyam na barangay sa buong region 8 ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at baha mula sa mga lalawigan ng Leyte, Eastern Samar, Northern Samar at Western Samar.
State Of Calamity Ideneklara Sa Valencia, Bukidnon At Butuan City – Ilang Residente Sa Visayas At Mindanao, Sapilitan
Facebook Comments