State of calamity, idineklara na sa Gingoog, Misamis Oriental

Nagdeklara na ng state of calamity sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Fernando Dy na apat na munisipyo at dalawang lungsod sa probinsya ang nakaranas ng pagbaha bunsod ng shear line.

Kabilang dito ang mga bayan ng Magsaysay, Balingoan, Balingasag at Talisayan at ang mga lungsod ng Gingoog at El Salvador.


Pansamantala ring isinara ang mga daungan ng sasakyang pandagat sa probinsya dahil sa matataas na alon.

Hindi naman madaanan ang Road 955 o Gingoog-Claveria-Villanueva Road matapos na maapektuhan ng landslide kahapon.

Samantala, sa panayam din ng RMN Cagayan de Oro kay Misamis Oriental Provincial Director Police Col. Gonzalo Villamor, aabot sa 26 na barangay sa probinsya ang binaha at dalawa rito ang wala pa ring suplay ng kuryente.

Nasa 7,048 pamilya o 35,061 na indibiwal sa buong Misamis Oriental ang apektado ng walang tigil na pag-ulan kung saan karamihan sa kanila ang nananatili sa 16 na evacuation centers.

Facebook Comments