Mga pasaherong dumating sa bansa nitong Christmas eve, umabot sa halos 32,000

Umabot sa halos 32,000 ang mga pasaherong dumating sa bansa nitong Christmas Eve.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, naproseso ng immigration officers sa iba’t ibang international airports ang kabuuang 31,992 arrivals noong Dec. 24.

Karamihan sa international passengers ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kung saan nasa 10,047 na pasahero ang naitala sa Terminal 1.


Pumalo naman ang arrivals sa Terminals 2 at 3 sa 4,646 at 12,615 pasahero.

Samantala, naiulat ng BI ang pagproseso ng kabuuang 22,248 departures nitong Christmas eve.

Tiniyak naman ni Tansingco sa publiko na bagama’t inaasahan ang mga pila dahil sa pagtaas ng international travels ay mabilis na napoproseso ang mga pasahero.

Facebook Comments