Ilang lalawigan sa bansa ng nagdeklara na ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Zamboanga City Vice Mayor Cesar Iturralde, nagdeklara sila ng state of calamity dahil sa epekto ng dry spell ang mga ilog dahilan para magkulang ang irigasyon sa mga sakahan.
Dahil sa paglalagay sa state of calamity sa Zamboanga ay magkakaroon ng access ang local government sa calamity funds para sa pagbili ng mga kagamitan, fertilizers, cloud seeding, vegetable seeds at food for work program para makaagapay sa mga problemang kinahaharap dahil sa tagtuyot.
Maliban sa Zamboanga, isinailalim na rin sa state of calamity ang mga bayan ng Alamada, Aleosan, Mlang at Pikit sa North Cotabato dahil sa epekto ng El Niño.
Batay sa Provincial Agriculture Office, umabot na sa P378 milyon ang pinsala ng tagtuyot sa agrikultura.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng weak El Niño ang bansa na inaasahang tatagal hanggang June 2019.