‘State of Calamity’, Idineklara ng LGU Tuguegarao City dahil sa Malawakang Pagbaha

82

*Cauayan City, Isabela*- Nagdeklara na ng State of Calamity ang Lungsod ng Tuguegarao dahil sa malawakang pagbuhos ng ulan na sanhi ng pagbaha at pagtaas ng lebel ng tubig mula sa Cagayan River.

Sa isinagawang special session, inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang kahilingan ni City Mayor Jefferson Soriano na magpasa ng resolusyon para sa pagdedeklara nito.


Pinangunahan ni City Vice Mayor Bienvenido De Guzman ang nasabing sesyon na layong magamit sa pagtulong ang calamity fund ng nasabing lungsod para sa mga apektado ng malawakang pagbaha.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya bunsod ng malawakang pag uulan na sanhi ng pagbaha.

Facebook Comments
From Advertisers