Pinoproseso na ng Malakanyang ang dekalrasyon ng state of calamity bilang tugon sa epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa local hog industry.
Ito ang impormasyon ni Senator Francis Pangilinan matapos magkaroon ng kasunduan o kompromiso ang Senado at Malacañang ukol sa ipapataw na taripa sa pork importation.
Nakapaloob din sa kompromiso ang Minimum Access Volume o dami ng aangkatin na karneng baboy ngayong taon.
Ayon kay Pangilinan, makatutulong ang deklarasyon ng state of calamity para sa indemnification fund o tulong-pinansiyal sa mga magbababoy.
Dagdag pa ni Pangilinan, daan din ang state of calamity para mabigyang proteksyon ang mga lugar na hindi apektado ng ASF gayundin para mapahinto pansamatala ang intres sa mga pautang para sa magbababoy.