STATE OF CALAMITY | Price freeze ipinatutupad sa Bacoor Cavite

Bacoor Cavite – Nagpatupad na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Bacoor Cavite.

Kasunod ito ng deklarasyon ng state of calamity ng pamahalaang lungsod ng Bacoor matapos malubog sa baha ang 63 barangay sa nasabing lugar dahil sa walang tigil na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.

Sa ilalim ng Republic Act 7581 o Price Act of the Philippines otomatikong walang magiging paggalaw sa presyo ng basic commodities sa loob ng 60 araw mula nang ideklara ang state of calamity.


Sakop ng price freeze ang bigas, mga delatang pagkain tulad ng sardinas gayundin ang processed milk, kape, sabong pampaligo at panlaba, gamot, instant noodles, kandila, tinapay at bottled water.

Maliban na lamang sa petroleum products at LPG na hanggang 15 araw lamang ang price freeze mula nang ideklara ang state of calamity.

Facebook Comments