Idineklara na ang State of Emergency sa buong Bacoor City sa Cavite dahil sa naitalang malawakang pagbaha kasunod ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng habagat.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na umabot na sa 64 barangay sa kabuuang 73 ang naapektuhan ng pagbaha.
Umabot naman sa 62,000 ang bilang ng mga pamilya na naapektuhan ng habagat.
Sa ngayon hanggang kahapon, umabot na sa 49,307 ang nakakumpleto ng bakuna o fully vaccinated na sa Bacoor, na lagpas na sa target na 10% o 420,000 ng populasyong mababakunahan.
Facebook Comments