World – Nasa sa State of Emergency ang Sanaa sa Yemen dahil sa cholera outbreak.
Kasunod na rin ito ng pagkakasakit ng tinatayang 2,600 katao kabilang ang halos isandaan dalawampung (120) namatay sa simula noong Abril 27.
Ayon sa health ministry ng Yemen – isa ng seryosong problema ang cholera outbreak lalo’t mahigit 8,500 hinihinalang kaso ng nabanggit na sakit ang naitala sa labing-apat na lalawigan.
Pinangangambahang magsiksikan sa mga ospital ang tinamaan ng cholera kaya’t nangangailangan na ng international aid ang Yemen.
Isa sa mga dahilan ng paglala ng sitwasyon ang nagpapatuloy na bakbakan na naging sanhi pagkaputol ng water supply.
DZXL558
Facebook Comments