Idineklara na ang state of emergency sa Florida at North Carolina dahil sa Hurricane Isaias na kumikilos papunta sa US East Coast.
Dahil dito, nagpaalala ang mga otoridad sa mga residente na pansamantala munang isasara ang COVID-19 sites at mag-imbak ng mga kakailanganin sakaling biglang bumuhos ang malakas na ulan sa timog at silangan ng central Florida bago hagupitin ang silangang bahagi ng North Carolina sa susunod na linggo.
Ayon sa US National Hurricane Center (NHC), taglay ng bagyo na nananala sa timog-silangan ng Bahamas at sa Turks at Caicos Island ang maximum sustained winds na 75 miles o 120 kilometro kada oras.
Nabatid na isinara na rin ang ilang public beach, parke, pantalan at golf courses matapos ilagay sa category 1 ang Hurricane Isaias at posible pang itaas sa category 2.