Sinimulan nang mangalap ang Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) ng isang milyong pirma upang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ito ng ito ng state of emergency para sa suspensyon sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.
Ayon kay KDP Chairman Butch Valdez, sila ay nananawagan sa lahat na maki-isa sa pagpirma na pansamantalang ihinto ang implementasyon ng EPIRA Law at bigyan ng 50 porsyento diskuwento ang singil sa kuryente ng mga ganid na oligarkiya.
Naniniwala si Valdez na ito ang tanging hakbang na lulutas sa problema ng pamahalaan, na maiibsan ang kahirapan ng mamamayan at mabigyan ng tamang direksyon ang ekonomiya tungo sa industriyalisasyon.
Paliwanag ni Valdez, doble aniya ang singil sa kuryente sa Pilipinas kumpara sa Estados Unidos at tanging ang presidente Duterte lamang ang makakapagtulong sa mga mamamayang Pilipino sa pinakamabigat na gastos ng mga pamilya.
Matatandaan na 1991 noong rehimeng dating Pangulong Fidel Valdez Ramos ang EPIRA o Republic Act 9136 ay naaprubahan upang isapribado ang buong industriya ng kuryente o ang power transmission at generation assets na dati ay nasa ilalim ng pamamahala ng gobyerno.
Dagdag pa ni Valdez dahil sa EPIRA Law ang 24 percent monthly income ni Juan Dela Cruz ay nauuwi lamang sa pagbabayad ng hindi makatarungang presyo ng kuryente.