STATE OF EMERGENCY | Mga Pinoy sa Libya pinag-iingat ng DFA

Bunsod nang nagpapatuloy na kaguluhan sa Libya, idineklara na ang state of emergency sa kapital nitong Tripoli.

Kasunod nito nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino workers na mag-ingat, huwag munang lumabas ng tahanan hanggat hindi pa napapayapa ang sitwasyon.

Ayon sa ating embahada sa Tripoli maliban sa gulo nakapagtatala na rin ang mga otoridad doon ng looting, robbery, car theft at iba pang krimen.


Sinabi naman ni Chargé D’affaires Mardomel Melicor nakikipag-ugnayan na sila sa mga lider ng nasa 1800 mga Pinoy sa Tripoli upang matiyak na mayroon silang sapat na suplay ng pagkain at tubig habang nagpapatuloy ang kaguluhan.

Siniguro din ni Melicor na nakahanda ang embahada na tumugon sa anumang emergency situation na posibleng kaharapin ng ating mga kababayan sa Tripoli.

Facebook Comments