ARESTADO | Hinihinalang drug pusher huli sa buy-bust sa Maynila

31

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang hinihinalaang drug pusher matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isang Balagtas Street near corner Adonis Street, Pandacan Manila.

Nakilala ang suspek na si Bernard Ryan Tumaneng 19-anyos residente ng 2246 Adolfo Street Pandacan Manila.

Ayon kay SDEU Chief Police Senior Inspector Pidencipo Saballo Jr. nagpanggap na bibili ng shabu ang isa sa kanyang mga tauhan sa suspek sa halagang 500 piso at nang iaabot na sa suspek ang mark money ay agad na dinakma ng mga pulis ang suspek.

Paglabag sa R.A 9165. o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng MPD laban sa hinihinalang pusher.

Facebook Comments