Sunday, January 18, 2026

State of emergency sa Tokyo, pinalawig pa

Pinalawig pa ng gobyerno ng Japan ang umiiral na state of emergency sa Tokyo at tatlong katabing prefectures bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Economy Minister Yasutsoshi Nishimura, mismo ang mga namumuno sa Tokyo, Chiba, Kanagawa at Saitama prefectures ang humiling ng extension.

Aniya, tatagal ang state of emergency hanggang Marso 21 o dalawang linggo mula ng naunang pagtatapos nito.

Matatandaang Enero nang ideklara ang state of emergency sa nabanggit na ng mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments