MANILA – Muling iginiit ni dating food security secretary at Senatorial Candidate Kiko Pangilinan na kailangan nang magdeklara ng state of national calamity sa mga probinsyang tinamaan ng El Niño matapos ang marahas na dispersal ng mga magsasaka sa Kidapawan City.Ito ay upang mas mabilis na maka-abot ang tulong ng pamahalaang nasyonal sa mga magsasaka na nasalanta ng matinding tagtuyot.Ayon kay Pangilinan, sapat ang suplay ng pagkain dahil nakapaghanda ang gobyerno sa pagtama ng El Niño.Pero kailangan aniyang pabilisin ang paghahatid ng tulong ng lokal na pamahalaan, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA) at ibang pang sangay ng gobyerno sa mga magsasaka.Dagdag pa ni Panglinan, kailangan ding magtulungan ang National Irrigation Administration (NIA) at pamahalaan para magkaroon ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga magsasakang apektado ng El Niño tulad ng rehabilitasyon ng mga irigasyon sa bansa.
State Of National Calamity, Dapat Nang Ideklara Sa Mga Probinsyang Tinamaan Ng El Niño
Facebook Comments