‘State of National Calamity,’ posibleng palawigin ni Pangulong Duterte – Palasyo

172

Posibleng palawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng state of calamity sa buong bansa dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring i-extend ng Pangulo ang State of National Calamity lalo na at wala pang bakuna.

Ang anim na buwang calamity declaration ay pinirmahan ng Pangulo noong March 16 sa pamamagitan ng Proclamation no. 929 na nakatakdang mapaso ngayong buwan.

Sa ilalim ng proklamasyon, pinakikilos ang mga ahensya ng gobyerno at Local Government Unit para respondehan at pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments