State of Public Health Emergency, palalawigin hanggang December ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Itutuloy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagdedeklara ng State of Public Health Emergency hanggang sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

Ito ang inihayag ng pangulo sa pagdalo sa Pinaslakas Campaign event sa lungsod ng Maynila.

Aniya marami binibigay na tulong mula sa international medical Community ang mahihinto kapag hindi pinalawig ang State of Public Health Emergency.


Partikular aniya rito ang World Health Organization (WHO).

Pero pina plano raw nila ang pag-amend nang ilang batas para sa procurement sa harap ng State of Public Health Emergency.

Ngunit ito aniya ay maaring matagalan pa kaya palalawigin nya ito hanggang December.

Ang State of Public Health Emergency ay idineklara noong March 8, 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments