Mahigit isang libong estudyante, inaasahang maseserbisyuhan ng MRT-3 sa pagbubukas ng klase sa Lunes

46

Tinatayang aabot sa 1,400 kada araw ang inaasahang bilang ng mga estudyanteng gagamit ng tren ng Metro Rail Transit Line (MRT-3) simula sa araw ng pasukan sa Lunes.

Sa kasalukuyan, nakapagsasakay ng nasa 300,000 na pasahero ang MRT-3 tuwing weekday.

Ayon kay MRT-3 General Manager Federico J. Canar, Jr., makakasa ang mga estudyante na magiging na komportable ang kanilang biyahe patungo sa kanilang mga eskwelahan.


Aniya, mayroon sapat na bilang ng mga tren na ide-deploy sa Lunes.

Magpapakalat din ng mga marshals sa mga platform upang bantayan ang pagsunod sa minimum public health standards sa buong linya at sa loob ng mga tren, upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Inanunsyo rin ni GM Canar na maaari na ring mag-avail ang mga estudyante ng 20% fare discount sa buong operating hours ng MRT-3.



Upang makakuha ng 20% discount, kailangan lamang na magpakita ng estudyante ng student ID o orihinal na kopya ng enrolment o registration form sa pagbili ng single journey ticket sa mga ticketing booth.

Ang 20% student fare discount ay makukuha Lunes hanggang Linggo, kasama ang holidays.


Facebook Comments