STATE VISIT | NCRPO handang-handa na sa pagdating ni President Xi

Manila, Philippines – Plantsado na o handang-handa na ang NCRPO sa pagdating ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas bukas.

Ito ang kinumpirma ni NCRPO Director Guillermo Elezar sa DZXL RMN Manila.

Ayon kay Eleazar, halos 6,000 mga pulis ang magbibigay seguridad sa pagdating ng presidente ng China.


Bukod sa pagpunta sa MalacaƱang para sa pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte kasama sa opisyal na lakad ni Xi Jinping ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park kaya at bantay sarado ng mga pulis ang kada kanto at mga dadaanan.

Walang banta sa seguridad pero posibleng may biglaang rally ang mga militanteng grupo.

Bukas ng tanghali ang dating ni Xi Jinping sa Maynila at aalis naman ng bansa sa araw ng Miyerkules.

Idineklara namang walang pasok ang mga estudyante at government employee bukas sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments