State visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa US, ipauubaya na ng pangulo sa nasabing bansa

Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos ang desisyon kung nais ba talaga nila ang presensya ng pangulo sa kanilang bansa o hindi.

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng imbitasyon ni US President Donald Trump sa mga ASEAN leader na magtungo sa Las Vegas para sa gaganaping US-Asean summit sa Marso.

 

Ayon kay Panelo, pag-iisipan pa ni Pangulong Duterte kung ano ang magiging desisyon nito.


 

Mayroon kasi aniyang mga US senators na hindi matutuwa na makita ang pangulo sa bansang nangunguna sa listahan ng umano’y nasa likod ng pagkakakulong ni Senator Leila De Lima.

 

Sabi pa ni Panelo, hindi rin tiyak ng pangulo kung bibigyan siya ng US Visa at kung sakali mang mabigyan, hindi rin ito tiyak kung papapasukin sa Estados Unidos.

 

Matatandaang una na ring inimbitahan ni Trump si Pangulong Duterte na magpunta ng US sa kanilang phone conversation noong May 2017.

Facebook Comments