STATE VISIT | Pamunuan ng MIAA, nagpapatupad na ng mahigpit na seguridad

Kasunod nang inaasahang pag-alis sa bansa ni Chinese President Xi Jinping matapos ang kanyang 2 araw na state visit sa bansa.

Pinaghahandaan naman ngayon ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pag-alis ng Chinese president.

Sa ngayon, mahigpit na ang seguridad sa paligid ng paliparan para sa 1:30 P.M departure flight ni President Xi.


Pinapayuhan ang mga may scheduled flight ngayong hapon na maagang magtungo sa paliparan para hindi maperwisyo dulot ng matinding traffic.

Magpapatupad kasi ng stop & go bago at pagkaraan ng convoy ni President Xi.

Facebook Comments