STATE-VISIT | Pasok sa Maynila sa Martes, Nov. 20, sinuspinde

Manila, Philippines – Sinuspindi ni Manila Mayor Erap Estrada ang lahat ng pasok sa mga paaralan sa Maynila maging sa mga tanggapan ng gobyerno sa Martes, Nobyembre 20.

Ito ay dahil sa nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping.

Kabilang sa itinerary ni Xi ay pagtungo sa Maynila upang bisitahin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang at dadalawin din niya ang Rizal Monument sa Luneta Park kung saan siya magsasagawa ng wreath laying ceremony.


Ang suspensyon ng pasok at klase ay inirekomenda ng Manila Police District (MPD) dahil layon nila na gawing maayos at mapayapa ang pagbisita ni President Xi.

Facebook Comments