PBA | Magnolia Hotshots, pasok na sa finals

Manila, Philippines – Hindi na pinatagal pa ng Magnolia Hotshots ang kanilang semifinals series kontra Barangay Ginebra.

Tinapos na ng Hotshots ang dalawang taong paghahari ng Gin King sa PBA Governors Cup matapos nila itong talunin sa game-4 sa score na 112-108.

Nanguna sa panalo ng Magnolia ang kanilang import na si Romeo Travis na may 50-points at 13-rebounds kahit pa mayroon itong iniindang injury.


Aantayin na lang ng Hotshots kung sino ang mananalo sa Alaska Aces at Meralco Bolts kung saan abante ang Aces sa serye 2-1.

Facebook Comments