STATE VISIT | Russian President Vladimir Putin, nasa China na

China – Nasa China na ngayon para sa kaniyang 3-three day state visit si Russian President Vladimir Putin.

Ito ay para dumalo si Putin sa Shanghai Cooperation Organization (SCO) summit na gaganapin sa Beijing.

Bukod sa pagdalo sa summit, nais kasi ipakita ng dalawa na ang pagiging malapit sa isa’t-isa ay hindi lamang para sa kanilang bansa kundi maging sa buong mundo.


Nabatid na ito ang pangatlong beses na pagbisita ni Putin sa China sa loob lamang ng isang taon bilang pagpapanatili ng kanilang mainit na samahan.

Facebook Comments