TALO | Philippine Women’s National Basketball Team, talo sa Team Germany sa FIBA 3×3 World Cup

Manila, Philippines – Hindi kinaya ng Philippine National Womens Basketball Team ang Germany sa ikalawa nilang laro kahapon sa 2018 FIBA 3×3 World Cup.

Tinalo ang Pilipinas sa score na 12-10 kung saan may pag-asa pa sanang maitabla at maipwersa nila sa overtime game ang laban.

Ito na ang ikalawang talo ng Womens Team sa pool-d kung saan una silang tinambakan ng Team Netherlands sa score na 22-11.


Mamayang alas-6:40 ng gabi naman ay makakaharap ng Men’s Basketball Team ang koponan ng Mongolia na mapapanood sa Philippine Arena.

Facebook Comments