Statement ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “hindi ka doktor”, sinagot ni Atty. Larry Gadon

Sinagot ni Atty. Larry Gadon ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya doktor para magkomento hinggil sa paggamit ng face mask.

Sa isang statement, sinabi ni Gadon na kahit hindi siya doktor ay hindi maiaalis na katulad ng ibang tao ay marunong siyang umintindi at magbasa ng mga impormasyon.

Katulad aniya ng impormasyon na hindi naman inobliga ng ibang bansa tulad ng Singapore ang kanilang mga mamamayan na magsuot ng face shield kahit nagsuot na ang mga ito ng face mask.


Nauna na ring binuweltahan ni Gadon ang Department of Health (DOH) sa pagsabing hindi niya ikinakampanya ang hindi pagsusuot ng face mask.

Napaplastikan lamang siya na may face mask na ay nagsusuot pa ng face shield.

Pinagsabihan din niya ang DOH na itigil ang pananakot sa publiko.

Sa halip na matakot, dapat panatilihin ng tao ang malusog na katawan o malakas na immune system.

Facebook Comments