Statement ni Rep. Florida Robes sa COVID-19 Lone District, San Jose Del Monte City, Bulacan

Rep Robes urges DepEd: Prioritize health concern of students’ parents on COVID 19.

Dahil sa paglaganap ng NCOV-19 sa bansa at sa pagdeklara public health emergency ng ating Pangulo Rodrigo Duterte, ako ay nananawagan sa Department of Education na ipasa na lamang ang mga estudyante at pansamantalang isara na ang lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa.

Ako mismo ay dinagsa ng mga pakiusap mula sa mga magulang mula sa aking distrito sa San Jose Del Monte City at ibang lugar na lubhang nag-aalala sa pagpasok ng kanilang mga anak sa eskwelahan at sila ay nanawagan sa DepEd na mag-issue na ng direktiba dahil panahon na ng final exams at graduation rites sa mga susunod na linggo.  Yaman din lamang na ang mga paaralan ay nasa huling linggo na ng kasalukuyang school year, maaari utusan ng DepEd ang mga school administrators na ipasa na ang lahat ng estudyante dahil ito ang hinihingi ng sitwasyon at para sa humanitarian consideration. Maarin din namang isaalang-alang na lamang ang mga quizzes at homework nitong last quarter na maging batayan sa final grade ng mga estudyante nitong fourth quarter.


Mula kahapon ay tumatawag ako sa DepEd upang kumuha ng guidance ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ako nabibigyan ng tiyak na sagot.

Hindi ito para i-pressure ang DepEd kundi ito ay para masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng ating mga anak na mas posibleng mahawa sa virus kung sila ay nasa eskwelahan.

Facebook Comments