Cauayan City, Isabela – Timbog sa entrapment operation ng NBI ang Station Manager ng Bombo Radyo GenSan na si Jonathan Macailing at News Director na si Salvador Galano kahapon sa loob ng isang mall sa General Santos City, South Cotabato.
Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan sa sister station na RMN Gensan at sa pamamagitan ni Radyoman Rose Soico, ipinahayag umano ni Joel Apolinario, founder ng KAPA, na ibinigay nito ang limang bilyong piso (P5 Million) bilang inisyal sa hinihingi ng mga suspek na sampung milyong piso (P10 Million) para matigil na ang isyu laban sa KAPA.
Napag-alaman din na una nang nagbigay ng apat na daang libong piso (400K) si Joel Apolinario para sa isang linggong pananahimik ng isyu bago sa hinihinging sampung milyon.
Makalipas umano ng isang linggo ay humingi ng karagdagang P10 million si Macailing kaya’t tinawagan ni Apolinario si Macailing para ibigay ang inisyal na limang milyon (P5-Milliin) at doon na isinagawa ang entrapment operations ng NBI.