Status ng mga bodyguard at kapwa convict ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, nais ding alamin ni Senador Franklin Drilon

Nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magkaroon ng Senate Inquiry tungkol sa mga bodyguard ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Matatandaang kabilang din sa mga hinatulan ng korte noong 1995 ang mga bodyguard nito dahil sa panggagahasa at pagpatay kina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Bago ito, nagpasa si Drilon ng isang resolusyon para imbestigahan ang posibleng maagang paglaya ng Alkalde.


Kaugnay nito ay laman din ng Resolution No. 106 ni Drilon na magpatawag ng imbestigasyon ang Committee on Justice and Human Rights para malaman kung nahuli ba ang mga tauhan ni Sanchez.

Layon ng nasabing resolusyon na pag-aralan kung may pangangailangang amyendahan ang R.A. 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Facebook Comments