Sinimulan ng Taguig City Government ang pamimigay ng stay-at-home food packs sa mga residente nito sa harap ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa NCR+ bubble.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang pamamahagi ng food packs ay layong panatilihin sa loob ng mga bahay ang mga Taguigeño at mailayo sila sa banta ng COVID-19.
Pero ipinanawagan din ng alkalde sa lahat na mag-bayanihan at pairalin ang pagkalinga at pag-aaruga sa bawat isa.
Ang stay-at-home food packs ay food supp na magtatagal ng tatlo hanggang limang araw para sa mga pamilyang may limang miyembro.
Naglalaman ito ng bigas, delata, kape, at energy drink.
Mayroon din kasamang hygiene kits na may face masks, face shields, alcohol, at sabon.
Apela ng Taguig LGU sa mga residente na magtulungan para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ang Taguig ang may pinakamababang active cases sa buong Metro Manila.