Pinapayagan na ng pamahalaan ang ‘staycation’ sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang hakbang Department of Tourism (DOT) para muling mapalakas ang sektor ng turismo sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sisimulan nilang ipatupad ito sa October 1, 2020.
Aniya, pinaplantsa ang iba pang guidelines kaya patuloy ang dayalogo kasama ang iba pang stakeholders.
Dagdag pa ni Puyat, hiniling din ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng antigen test sa mga nais mag-‘staycation’ para matiyak na negatibo ang mga ito sa COVID-19.
‘Yong turista ang gagastos para sa antigen test at mura lamang ito.
Hindi rin maaaring gamitin para sa staycation ang mga hotel at iba pang accommodation establishments kung kasalukuyan itong ginagamit bilang quarantine facility.
Ang mga hotel ay kailangang mag-apply sa DOT para nila i-accredit bilang staycation facility.
Mahalaga ring nasusunod ang health at sanitation protocols.