Steel bollard sa NAIA terminal, ipinasisilip ng FPI sa DOST

Isinisisi ng ng Federation of Philippine Industries (FPI) sa konstruksyon ng steel bollards ang dahilan ng pag-araro ng Ford Everest na ikinasawi ng dalawa katao sa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sa Quezon City Journalist Inc. (QCJI) news forum, sinabi ni FPI Chairman Jesus Aranza na mababaw kasi ang pagkakabaon ng steel bollard kung kung kayat ito ay construction issue at hindi dahil substandard ang bollard.

Ani Aranza, para mapatunayang substandard ang bollard ay mangangailangan ng masusing test mula sa mga eksperto mula sa iron steel institute.

Umapela si Aranza sa Department of Science and Technology (DOST) na suriing mabuti ang mga steel bollard upang mapatunayang substandard ang bollard sa NAIA.

Iimbestigahan na rin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga steel bollard na dapat sana’y pumigil sa SUV na nang-araro sa entrance ng NAIA Terminal 1 noong Linggo.

Facebook Comments