PNP chief, pinaalalahang muli ang mga pulis na manatiling neutral sa halalan

Ngayong 6 na araw na lamang bago ang 2025 midterm elections, nagpaalala si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa lahat ng pulis na manatiling non-partisan at apolitical.

Ito’y kasunod narin ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking malinis at kapani-paniwala ang eleksyon sa Lunes, Mayo 12.

Pinayuhan ni Marbil ang mga pulis na huwag makisawsaw sa politika habang umiinit na ang kampanyahan sa buong bansa.

Mahigpit din ang paalala ni Marbil sa sinumang pulis na mahuhuling sangkot sa partisan politics ay agad kakasuhan at posibleng sibakin sa serbisyo.

Aniya ang uniporme ng Pambansang Pulisya ay simbolo ng serbisyo publiko, at hindi kampanya.

Inatasan din nito ang mga unit commanders at regional directors na bantayang mabuti ang kilos ng kanilang mga tauhan.

Dagdag ni Marbil, hindi lang katahimikan ang tungkulin ng pulis tuwing halalan bagkus dapat tiyaking ligtas at malaya ang bawat mamamayan sa pagboto.

Facebook Comments