Stickering campaign ng DZXL Pulso ng Metro, itutuloy ngayong araw sa lungsod ng San Juan

18

Magpapatuloy ngayong araw ang stickering campaign ng team ng Pulso ng Metro ng DZXL Radyo Trabaho sa San Juan City.

Target ng stickering ang mga terminal ng tricycle sa tatlong barangay sa lungsod.

At sa mga susunod na araw sa ating pagbalik ay bitbit ng team ang regalo na maagang pa-noche buena para sa mga masisipag nating tsuper.

Samantala, bibisita rin ang Pulso ng Metro Team sa mga punong barangay para alamin ang kanilang pangangailangan o suliranin sa kanilang lugar.

Bukod dito, kilalanin natin ang kanilang mga nagawa at nagpapatuloy na proyekto para sa kanilang kabarangay.

Samantala, maaaring magpadala ng mensahe sa 0921-431-1044 kung may nais kayong idulog na problema sa inyong barangay.

Manatili lamang nakatutok sa mga programa ng DZXL 558 Radyo Trabaho at abangan ang anunsyo sa mga susunod na pagbaba ng PNM Team sa inyong lugar.




Facebook Comments