STL Employee, Dinakip dahil sa Droga!

70

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang empleyado ng Small Town Lottery (STL) matapos itong mahuli sa Brgy. Calaocan, Santiago City, Isabela.


Kinilala ang suspek na si Jefferson Cumarat De Leon, 36-anyos, may asawa at residente ng Purok 7, Brgy. Naggasican, Santiago City.

Ayon sa imbestigasyon ng Santiago City Police Office, nadakip ang suspek matapos ikasa ang drug buy-bust operation laban sa kanya nang mapagbentahan nito ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P2,000.

Nabatid na naaresto ang suspek sa kaparehong kaso noong taong 2014.

Sa ngayon ay malaki ang epekto ng pagkakahuli ng suspek na nagtutulak ng droga sa Lungsod.

Facebook Comments