STL, TUMIGIL SA ILANG BAYAN AT LUNGSOD NG ISABELA!

186

Cauayan City, Isabela – Hanggang ngayon ay palaisipan parin para sa PCSO Isabela Branch ang biglaang pagtigil sa pagpapataya ng STL sa ilang bayan at dalawang lungsod ng Isabela.

Ayon kay Mrs. Yamashita Japinan, Branch Manager ng PCSO Isabela, ikinagulat niya ang pagtigil ng Sahara Games and Amusement Philippines Corporation sa pagpapataya sa ilang bayan ng Isabela. Dagdag pa ni Mrs Japinan na tanging sulat lang mula sa nasabing kompanya ang natanggap nila na nagsasabing tumigil ito sa pagpapataya ng STL sa 11 bayan at dalawang lungsod ng Isabela.


October 1 ng taong kasalukuyan nang inaprubahan ng PCSO Head office ang Sahara Games and Amusement Philippines Corporation na mag operate sa 31 bayan at dalwang lungsod ng Isabela.

Sa kabila nito, tiniyak ni Mrs Japinan na tuloy parin ang PCSO sa pag draw ng STL sa main draw court sa Cauayan City.

Kabilang sa mga bayan at lungsod na tumigil ang pagpapataya ng mga collectors ng STL ang mga Lungsod ng Cauayan at Ilagan at ang mga bayan ng Cabagan, Delfin Albano, Sto. Tomas, Tumauini, Benito Soliven, Naguilian, Luna, Alicia, Cabatuan, San Mateo, San Guillermo, Echague, Jones, Ramon, at San Isidro.

Facebook Comments

From Advertisers