STOLEN ANIMALS | Ilang endangered animals mula sa pribadong zoo sa Rodriguez, Rizal – ninakaw

Rodriguez, Rizal – Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang mga responsable sa pagnanakaw ng ilang endangered animals mula sa pribadong zoo sa Rodriguez, Rizal.

Kabilang sa mga ninakaw sa Avilon Zoo ay ang tatlong mature red-footed tortoises, isang yellow-footed tortoise, isang common snapping turtle, tatlong black palm cockatoo at isang brown tufted capuchin monkey.

Sinasabing ang mga ninakaw na hayop ay parte ng conservation breeding program ng Avilon Zoo na talagang napakahalaga nito sa kanila.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung may inside job na nangyari at matukoy na din ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments