Stop and Go Coalition, kinontra ang pahayag na halos walang epekto sa mga pasahero ang ginawang tigil-pasada

Manila, Philippines – Kung totoong walang epekto sa publiko ang isinagawang tigil-pasada ng grupong Stop and Go Coalition, hindi sana magkukumahog ang gobyerno na magpakalat ng mga special trip at hindi rin magsususpindi ng klase ang ilang mga eskwelahan.

Ito ang bwelta ni Jun Magno, pangulo ng grupo, sa naging pahayag ng LTFRB at ng MMDA na halos hindi raw naramdaman ng mga pasahero ang isinagawa nilang tigil-pasada.

Nagpupulong ngayon ang grupo para pagpasiyahan ang posibilidad na hindi na nila itutuloy bukas ang ikalawang araw ng tigil-pasada.


Isa sa kanilang inilalaban ang mandatory jeepney modernization program na isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments