Storage facility, inihahanda na ng pamahalaan ng Maynila para sa pagdating ng COVID vaccines

Photo Courtesy: Isko Moreno Domagoso | Facebook

Sinisimulan na ng Manila City Government ang paghahanda ng storage facility para sa pagdating ng binili nitong COVID vaccines.

Ayon kay Manila Mayor Francsico “Isko” Moreno Domagoso, ang Manila COVID-19 Storage Facility ay matatagpuan sa 7th floor ng Sta. Ana Hospital.

Una nang inanunsyo ni Moreno ang ilulunsad ng pamahalaang lungsod ng Maynila na libreng drive-thru RT-PCR swab testing sa Quirino Grandstand.


Ito ay magsisimula sa Lunes, ika-18 ng Enero kung saan target ang 100 katao kada-araw.

Facebook Comments