Storage facility sa COVID-19 vaccination program, tiniyak ng DOH na dekalidad kasunod ng pagleak ng ammonia sa Navotas

Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kalidad ng mga storage facility na paglalagyan ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ang pahayag ay ginawa ni Health Undersectary Ma. Rosario Vergeire kasunod ng nangyaring pagleak ng ammonia sa isang ice plant sa Navotas.

Ayon kay Vergeire, anumang kemikal ang ginagamit sa mga storage facility, ito ay siguradong dekalidad.


Ito aniya ang dahilan kaya hindi sila basta-basta makapag-set-up ng storage facility dahil maraming kailangan ikonsidera gaya ng kaligtasan nito, kalidad at mapanatili ang potency ng bakuna na ilalagay rito.

Para naman sa 2 to 8 degrees celsius storage facilities, sinabi ni Vergeire na matagal na nila itong ginagamit sa kanilang vaccination program.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na iniimbestigahan na rin nila ang ammonia leak sa ice plant sa Navotas.

Ito ay upang makapaglabas aniya sila ng mga patakaran hinggil dito at maiwasang maulit ang pangyayari.

Facebook Comments