Manila, Philippines – Pumalo sa higit 4,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang na-stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng PCG, umabot sa 4,202 passengers ang naipit sa seaports.
Karamihang pasaherong na-stranded ay nagmumula sa Southern Tagalog, Western at Southern Visayas.
Aabot naman sa 619 rolling cargo, 89 na vessel at 75 motorbanca ang hindi pinayagang bumiyahe.
Sa ngayon, idineklara na ng PCG na ligtas bumiyahe ang mga sasakyang pandagat sa southern tagalog kasabay ng pagkalma ng dagat doon.
Ipinagpatuloy na rin ang shipping operatiuons.
Samantala, nag-abiso na rin ang Maritime Industry Authority (MARINA) na binuksan na rin ang sea trips sa Cebu at Bohol maliban sa mga biyaheng patungong Samar, Northern Leyte, at Western Visayas.