Pinagtibay pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Strategic Cooperative Partnership ng Pilipinas sa China sa ikalimang pagbisita niya nitong nakaraang Linggo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naging matapat ang palitan ng posisyon nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping ukol sa usapin ng West Philippines Sea.
Aniya, nagkasundo ang dalawang lider na maging mahinahon partikular ang pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) partikular ang pagrespeto sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat at paglipad ng mga eroplano sa papawirin sa West Philippines Sea.
Nagkasundo rin sina Duterte at Xi sa madaliang pagbuo ng Code of Conduct sa karagatan.
Aabot sa anim na kasunduan ang nilagdaan na sakop ang sektor ng edukasyon, science and technology, finance, customs, at iba pa.
Nakipagpulong din ang pangulo sa Chinese at Filipino Invenstors.
Dumalo rin ang pangulo sa Opening Ceremony ng 2019 FIBA Basketball World Cup bilang panauhing pandangal at magbigay suporta sa Gilas Pilipinas.