STRAY DOGS, PROBLEMA SA BRGY. GUAYABAL

CAUAYAN CITY- Isa sa mga ordinansang pinaiigting ngayon sa Brgy. Guayabal ay ang paghuli sa mga galang aso sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Daisy Maribbay, ang ordinansang ito ay noon pa naipatupad, ngunit sa ngayon, mas pinaigting ang nasabing kautusan dulot ng mga nangyaring insidenteng kinasasangkutan ng mga galang aso.

Aniya, kamakailan lamang ay nadisgrasya ang isang motorista dahil sa biglaang pagtawid ng aso.


Bukod dito, labing isang alagang kambing din ang nabiktima ng galang aso matapos nitong pagkakagatin, na syang nagresulta sa pagkasawi ng tatlong alaga.

Mahigpit na pinapaalalahanan ang mga mamamayan na itali ang kanilang mga aso, upang hindi na ito magdulot pa ng anumang kapahamakan sa mga residente.

Facebook Comments