Street sweeper, nagsauli ng wallet na may P30K; tinanggihan ang alok na pabuya

649
Photo by Christine Janelle Kho on Facebook

“Faith in humanity restored.”

Isa na namang kuwento ng katapatan ang kinabiliban ng netizens nang ibalik ng isang street sweeper sa Cebu ang wallet na may lamang P30,000.


Kuwento ng netizen na si Christine Janelle Kho sa kanyang Facebook post, tanggap niya nang hindi maibabalik ang naiwala niyang wallet sa daan niya papuntang condo galing sa mall, dahil sa laki ng halagang laman nito.

“I was half hearted about looking for it and tried to look for less than 10 mins because in my head, who would return it?”

Pero ilang minuto lang nang makatanggap ng tawag ang kanyang tatay na mayroon daw nakapulot ng kanyang wallet.

Kinilala ang tapat na street sweeper na si Angelo Baguio, na naglilinis sa Ayala Business Park.

Walang nawala o nabawas sa laman ng wallet, kaya sa labis na pasasalamat ay inalok ni Kho si Baguio ng pabuya, na tinanggihan naman nito.

Dahil dito, umani ng papuri ang street cleaner sa social media.

Gaya ng hiling ng bawat isa, napa- “Sana all” na lang si Kho sa ipinamalas ng kababayan.

Facebook Comments

From Advertisers